FILIPINO DEPARTMENT
bisyon
Ang Kagawaran ng Filipino ng Ilaya Barangka Integrated School ay naglalayong mahubog at maikintal ang pagka-Pilipino ng ating mga mag-aaral .Gayundin ay maging kapaki-pakinabang sa ating pamayanan sa pamamagitan ng paglinang ng kakayahang komunikatibo, replektibo o mapanuring pag-iisip, pagiging maka-Diyos na may pagpapahalaga sa kapwa at kapaligiran, at pagpapahalagang pampanitikan sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
MISYON
Hangad ng Kagawarang ng Filipino na :
malinang ang kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa ,panonood at pagsulat, tungo sa mabisang pakikipagtalastasan sa wikang Filipino;
mapaunlad ang kakayahang makapagpahayag ng saloobin sa kritikal na pamamaraan at malikhaing pag-iisip sa pang-araw-araw na buhay ;
mapalalim ang pag-unawa sa ibat-ibang uri ng pampanitikan;
malinang ang kasanayan sa pag-unawa tulad ng pang-unawang literal, interpretasyon, pagsusuri, aplikasyon, at pagpapahalaga tungo sa mahusay at mataas na antas ng pakikipagtalastasan at;
mapaunlad ang kamalayang panlipunan para sa kanyang kapwa, pamayanan at maka-agapay sa pagbabago.